Binanatan na naman, as usual, ng pamunuan ng National Historical Institute ang diumano'y maling pagbirit ng Journey frontman na si Arnel Pineda sa kasagsagan ng labang Manny Pacquiao at Joshua Clottey nitong nakaraang Linggo.
Walang duda naman talagang, off key o mali sa orihinal na tono ang pagbirit ni Arnel sa ating Pambanang Awit , lalo na sa bandang dulo nito. But then karaniwan nang ito ay style o rendition ng nasabing artists base sa kanyang interpretation ng nasabing kanta.
Ang ating Pambansang Awit kasi ay isang uri ng kanta kung kaya't maaaring ma-interpret nga ito ng ibang artists base sa kanilang creativity katulad din ng maling rendisyon diumano nila Martin Nievera, Charice Pempengco atbp. na laging nagaganap sa laban ni Pambanang Kamao Manny Pacquiao.
Siguro ang tanong na lang is, kung puwede pa bang i-interpret ng iba sa orihinal na tono ang ating Pambansag Awit?
Kung ang sagot ay oo, e di hayaan natin ang mga artists na gawin ang kanilang piyesa ayon sa kanilang interpretasyon.
At kung hind naman, ay huwa na lang kumuha ng mga artistang may sariling tono para sa awiting ito, bagkus ay kumuha na lang ng marching band para tugtugin na ang nasabing awitin, originally, para hindi na mapulaan ng ating mga kritiko at NHI.
At any case, highlighted lang naman ito sa laban ni Pacman, but I'm sure na sa ilang mga pribadong pagtitipon ay marami din ang nagsasalaula sa tono ng ating Pambansang Awit .
Para sa kapakanan ng mga taong hindi kabisado ang orihinal na tono ng ating National Anthem ay narito ang video kung paano kakantahin ng maayos at matino ang ating Lupang Hinirang: