Friday, March 27, 2020

UAAP, NCAA classics highlight ABS-CBN Sports programming during lockdown

Sports fans will have access to classic collegiate games and exciting fights as part of ABS-CBN Sports’ special programming schedule during the enhanced community quarantine.

In a press release, ABS-CBN Sports said it is bringing back the best games of both the UAAP and NCAA from the previous seasons via S+A Encore from Monday to Sunday at various timeslots.

UAAP Classics will feature basketball and volleyball games while NCAA Throwbacks will feature the grittier hoops play of the league.

Fight fans will also have their treat with fight cards ONE Championship’s 2019 calendar getting its time slot every Thursday and Friday at 9 pm.

There will also be a marathon of ONE Warrior Series Season 3 on Sunday (March 29) and ONE Warrior Series Season 4 on April 5 starting at 6 pm.

Motorsports enthusiasts will have their adrenaline fix with ANC’s Rev, Mobil 1 The Grid, and Formula E Street Racers airing daily at 1 pm and 6:30 pm.

ABS-CBN Integrated Sports head Dino Laurena said the change in S+A’s programming is the company’s commitment to delivering entertainment and positivity in these trying times.

https://sports.inquirer.net/390527/uaap-ncaa-classics-highlight-abs-cbn-sports-programming-during-lockdown

ABS-CBN Sports maglulunsad ng special programming sa S+A ngayong Abril

May handog na sports, balita, at bagong workout show

Ibang S+A ang matutunghayan ng mga Pilipino sa darating na Abril sa paghahatid ng ABS-CBN Sports ng mga klasik na laro, nagbabagang balita, at bagong celebrity workout show para sa bawat Pilipino habang nasa quarantine dulot ng banta ng COVID-19.

Upang tulungan ang mga Pinoy na manatiling masigla habang nakapirmi sa bahay, may handog na dance/fitness workout program ang S+A tampok ang mga batikang trainer na si Coaches Jim at Toni Saret, kasama ang mga Star Hunt artist at Kapamilya stars. Mapapanood ito araw-araw simula Miyerkules (Abril 1) ng 7:30 am at may replay ng 3:30 pm. Ieere rin ito tuwing Sabado at Linggo ng 8:30 am.

Magbabalik din ang mga klasik na laro mula sa mga nagdaang season ng UAAP at NCAA sa “S+A Encore” para magbigay inspirasyon at magpasaya ng mga tao. Abangan ang pagpapakitang gilas ng mga atleta ng UAAP basketball at volleyball sa “UAAP Classics,” at ang pagpapamalas ng talento at puso ng NCAA basketball players sa “NCAA Throwbacks” araw-araw. Patuloy naman ang papapalabas ng mga magagandang laro sa MPBL Lakan Season tuwing Lunes hanggang Miyerkules at Sabado ng 10 pm.

Handog din ng S+A sa MMA fans ang maaaksyong bakbakan sa ONE Championship noong 2019 tuwing Huwebes at Biyernes ng 9 pm. Ipapalabas din ng diretso ang ONE Warrior Series Season 3 sa Linggo (Marso 29) at Season 4 naman sa Abril 5 ng 6 pm. Hatid naman sa mahihilig sa kotse at karera ang “Rev” ng ANC , “Mobil 1 The Grid,” at “Formula E Racers” na mapapanood araw-araw sa ganap na 1:30 pm at 6:30 pm.

Layunin din ng ABS-CBN Sports na bigyang kaalaman ang mga Pilipino sa mga aksyon ng gobyerno at lagay ng bansa kaugny sa COVID-19 sa pag-ere ng DZMM TeleRadyo sa S+A ng 8 am simula Miyerkules (Abril 1). Mabibigyan din ng pagkakataong magayuno at magdasal ang bawat pamilya sa Kapamilya Daily Masses tuwing Lunes hanggang Sabado ng 10 am, at 11 am kada Linggo.

Ayon kay ABS-CBN Integrated Sports head na si Dino Laurena, ang espesyal na programming ng S+A ay bahagi ng layunin ng ABS-CBN Sports na maghatid saya at inspirasyon sa bawat Pilipino lalo na sa kinahaharap na pagsubok ng bansa ngayon.

Para sa balita sa UAAP, NCAA, ONE Championship, MPBL at iba pa, sundan ang @ABSCBNSports sa Facebook, Twitter at Instagram o bumisita sa sports.abs-cbn.com. Para sa updates, sundan ang @ABSCBNPR sa Facebook, Twitter, at Instagram o bumisita sa www.abs-cbn.com/newsroom.

https://www.abs-cbn.com/newsroom/news-releases/2020/3/27/abs-cbn-sports-launches-special-programming