Monday, November 06, 2017

Ang itlog ni Rizal

Great words come from great men. I greatly agree. But did you ever question if those beautiful lines were written and said spontaneously and unpremeditated? No rough and draft; and did not go through proofreading, checking and re-checking?

Well, naturally or with corrections, what we get now from these great and famous personalities are all in its final form. And I believe too, that nobody really cares about this point I am raising — and I have the strongest feeling that I’m just alone in this search. Well, ayokong mag-isa at madali akong kausap. Erase, erase.

But I’m sure that someday, we would probably be reading in some quotation books under the headline Woodstalk — something from the controversial Toygirl, este Tiger Woods pala, like —
X


“I’ve always been ‘even’ and on the level as far as my wife is concerned. But winds change; you commit mistakes in the course — you sometimes hit and take too many strokes on the holes. I hate bogeys. My ‘birdie’ is important to me.”

And not far from these pages would be our very own Wapakman (with a ‘K‘) —

“Maraming taon at panahon akong nakikipagbugbugan at nakikipagkiskisan ng katawan at nakikipagyakapan sa kapwa ko lalaki. Mga katawang pawis na pawis at hindi mo maiwasang kung minsan ay amoy kabayo at kalabaw na kami. At pagkatapos, minsan ako’y inyong pag-uusapan na may kasamang babaeng mabango, ako pa ay inyong huhusgahan. Pagbigyan n’yo naman ako. Sabi nga ni Tiger Woods, ‘My birdie is important to me.’”

Entertainment ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch: 1
* * *

Actually, the subject and inquiry for today was first directed to Jose Rizal’s Mi Ultimo Adios. Did our national hero have scratch papers when he wrote it? Or did he burn the trash papers using the oil lamp to hide evidence of trial? Someone even thought that he might have swallowed them — that is why he did not request for a last meal and did not eat his breakfast before he was executed. Nabusog na raw kasi sa papel. Ngek!

By the way, this bit of information about our Pambansang Bayani not eating anything before facing the firing squad, was given to me by multi-awarded Filipino historian and journalist Ambeth Ocampo. He even added that according to a certain Austin Coates, “Bago s’ya lumabas sa Fort Santiago, kumuha s’ya ng isang nilagang itlog sa mesa at hinagis sa madilim na sulok ng selda at sabi, ‘Hayaan natin magpista rin ang mga daga!’”

Thank you Ambeth. Parang naging interesado ako bigla sa kasaysayan ng itlog ni Rizal. Pero teka, mukhang sumasama na ang usapan — we started from “scratch”... then we ended with “eggs.” Ngek!

* * *

Pambansang Kamao at Pambansang Kaano,

Pambansang Mangangaritong numero uno;

May Pambansang Laro at ito’y Pinoy Henyo

At Pambansang Pang-Goodtime — Wow, Mali! pare ko.

Ano ba ang dapat para maging pambansa?

Kailanga’y angat ka sa larangang paksa;

Kung gano’y pwede na at walang hiya-hiya,

Ang Pambansang Palabas ay ang Eat, Bulaga!.

Aber, kontrahin nga ng ibang inggitero —

Mahigit tatlumpung taong pag-ere nito

Sa tatlong himpilan — Siyam, Dalawa’t Pito;

At sa tanda nito, nasitsit pa sa Singko.

Ha, ha, ha, ha, ubra naman kayong gumawa

Ng sariling “pambansa” kung inaakala;

Pambansang Bugaw o kaya’y Pambansang Bakla,

Pambansang Ilong o Pambansang Mandaraya.

Pambansang Papansin kaya’y Pambansang Bakya,

Pambansang Plastikado’t Pambansang Pagawa;

Sa huling titulo maraming pinagpala,

Kaya sa tropeo, kanya-kanyang palikha.

Usapang seryo tayo’t naiisip ko lang —

Pambansang Awit natin dapat bang palitan?

Para kasing kulelat na tayo sa laban,

Paumanhin, “Per-LAST na tayo ng Silangan.”

Tutal ang sigaw n’yo ay puro pagbabago,

Di baguhin ang pwede’t magsimula tayo;

Ibahin din ang watawat... napansin ba n’yo?

Ginawa nang T-shirt bandilang Pilipino.

Subalit ayon sa aking pagkakatanda,

Tatlong tala’t isang araw lang ang ginawa,

Ngunit mga tao para bagang nagwala,

May mapa sa dibdib tila ba nawawala.

Wari bang lahat naging makabayan bigla

Na parang kailan lang tinatanggap na “bakya”;

At parang kasalanan ni Francis M pa nga,

Pagkawala ni Kiko, dun lang nagsimula.

Kung ’yay pagbabago di ibigay ang hilig,

Sama ’ko kung saan may kilig at pag-ibig;

Ngayon balikan natin ang Pambansang Himig,

Tanggalin mga tinik na nakakabikig.

May dagat at langit ngunit may bundok pa ba?

Palagay ko pagpalit napapanahon na;

Tutal tayo naman mahilig na kumanta,

Talent shows nga natin ay sampu ang sampera.

Mga lupa’y hinarang na lang ng iilan;

Marami ang ni duyan ay walang mahigan,

Tuloy iba’y nagdarasal — bumalik na lang

Mga nanlupig at naniil na mayaman.

“Alab ng puso sa dibdib mo’y buhay...” pa ba?

Eh mukhang wala nang buhay nasabing linya;

Tipong may buhay lamang dibdib ng dalaga,

Napapalaki pa s’ya at napapaganda.

At ang huling linya’y mukhang hindi na bagay

At hindi na lang “dahil sa’yo” ang mamatay,

Pagkat marami rin ngayon ang bumibigay

Nang dahil sa YO... SI.

Ano inyong palagay?

* * *

Today is the 13th of December. Thirteen is one of my favorite numbers. Again, for your information, I gave all my children 13 letters in their first names. And most of the time too, my poems have 13 syllables in each line. Tiger Woods is now a “thirteen” — labingtatlo.

Ang kanyang nila-LABING... TATLO! Ngek!