Matapos sina Jennifer Bautista at Geneva Cruz, ang R&B Princess namang si Kyla ang aagaw ng eksena sa pagkanta ng pambansang awit sa Manny Pacquiao-Marco Antonio Barrera rematch sa Oktubre 6 sa Mandalay Bay Resort and Casino sa Las Vegas, Nevada.
“I am greatly honored na ako ang napili sa mga nag-audition,” wika ni Kyla.
Ang 26-anyos na si Kyla ang naging panauhin sa huling press conference ni Pacquiao sa The Fort noong Sabado kasama si Jonalyn Viray.
“Manny was happy with Kyla’s performance when she sang at the send-off party held for him by Solar and GMA last Saturday,” wika ng isang opisyal ng GMA-7, katuwang ng Solar Sports na magha-handog ng Pacquiao-Barrera II mula sa Las Vegas.
Si Kyla ang tanging female local artists na nanalo sa bigating MTV Video Music Awards noong 2001 bilang Southeast Asian Viewers Choice Awardee kasama ang dalawang OPM bands na Eraserheads at Parokya Ni Edgar.
Ang pagkanta ni Kyla sa Pacquiao-Barrera II ang inaasahang lilimot sa pag-piyok ni Bautista sa Pacquiao-Erik Morales III sa Las Vegas noong 2006, ang pag-iiba ng tono ni Cruz sa national anthem sa Pacquiao-Jorge Solis fight sa Alamodome sa San Antonio noong Abril at ang pagkalimot ni Christian Bautista sa ilang lyrics sa exhibition match nina Gerry PeƱalosa at Bernabe Concepcion nitong Setyembre 16 sa Metropolis Mall sa Alabang. (Russell Cadayona)
http://www.philstar.com/palaro/16436/si-kyla-ang-aawit-ng-%E2%80%98lupang-hinirang%E2%80%99-sa-pacquiao-barrera-2