Wednesday, December 09, 2009

25th Southeast Asian Games sasambulat

VIENTIANE--May ma­gandang pangarap ang Team Philippines sa kanilang pagtungo dito sa Vientiane, Laos.

Bukod sa determinasyon, nais din ng Pam­­bansang koponan na masilayan ang pa­ngalan ng bansa na bu­mabandera sa itaas ng pangkalahatang ka­tayuan.

Gayunpaman, ba­ga­mat hindi pa gaanong ma­linaw kung saan hahantong ang lahat ng kanilang pagsisikap, pinaghahandaan na nila ng husto ang lahat kung saan sa loob ng 14 na araw ay magiting si­lang makikipagbuno sa iba’t ibang lugar sa iba’t ibang sports event.

Puno ng kumpiyansa na maaaring masundan ang tagumpay na silver medal na tinapos ng Phi­lippine water polo team, papagitna ang taek­wondo team sa aksiyon ngayong umaga bago magsi­mula ang opening ceremony sa ala­s-6 ng gabi (alas-9 ng gabi sa Manila) sa Na­tional Sports Complex’s Main Stadium.

Sepak takraw, ang koponan na hindi naka­pasa sa POC-PSC criteria sa pagpili ng miyembro ng delegasyon na pinabiyahe pa rin ni PSC chairman Harry Angping ay nakasiguro ng bronze medal sa mahusay na performance ng men’s at women’s hoop team.

Ang kampanya naman ng women’s team nina Desiree Autor, Ire­ne Apdon, Gelyn Evora, Sarah Jane Catain at Rhea Padrigo ay su­mab­lay sa kanilang kam­panya para sa silver makaraang yumukod sa Myanmar 580-720, sa kanilang semis sa Laos ITECC Hall 1.

Papagitna naman ang trio nina Camille Ala­rilla, Janice Lagman at Rani Ann Ortega, win­ner ng 4th World Poomsae sa Cairo, Egypt, sa pagbubukas ng poomsae event para sa unang limang gintong medalyang nakataya sa taekwondo sa 400-seat Booyong Gym.

Tatangkain din ng tatlo ang kanilang su­werte sa individual competition, na magbibigay ng golds sa men’s team, mixed pair at men’s individual play ng palarong porma ang paglalabanan na hawig sa ka­ratedo kata.

Samantala opisyal ng naging kabahagi ng pamilya ng Southeast Asian Games ang Team Philippines  kasunod ngsimple at matahimik na flag-raising ceremony sa loob ng malawak na Athlete’s Village dito.

Binuo ng maliit na 20 kataong personnel na pinamumunuan ni POC president Pe­ping Cojuangco at chef de mision Mario Tanchangco, ang dumalo sa katanghaliang tapat na seremonyas kung saan itinaas ang bandila ng 10 miyembro na kasama ng SEA Games flag sa alphabeticaL order.

https://www.philstar.com/palaro/2009/12/09/530389/25th-southeast-asian-games-sasambulat

No comments:

Post a Comment