Ang pelikulang "Bayang Magiliw, ang mamatay ng dahil sa'yo" (Land of the Morning, to die because of you) hango sa una at huling linya ng pambansang awit ng Pilipinas "Lupang Hinirang". Ito po ang pelikula sa direksyon ni Gil Portes.
Ang Pambansang Awit ng Pilipinas
(Philippine National Anthem)
Bayang magiliw
Perlas ng Silanganan
Alab ng puso
Sa dibdib mo'y buhay
Lupang hinirang
Duyan ka ng magiting
Sa manlulupig
Di ka pasisiil
Sa dagat at bundok
Sa simoy at sa langit mong bughaw;
May dilag and tula
At awit sa paglayang minamahal.
Ang kislap ng watawat mo'y
Tagumpay na nagniningning,
Ang bituin at araw niya
Kailan pa ma'y di magdidilim.
Lupa ng araw, ng luwalhati't pagsinta,
Buhay at langit sa piling mo;
Aming ligaya na pag may mang-aapi
Ang mamatay ng dahil sa iyo.
Bayan Ko
(My Country)
Ang bayan kong Pilipinas
Lupain ng ginto't bulaklak
Pag-ibig ang sa kanyang palad
Nag-alay ng ganda't dilag
At sa kanyang yumi at ganda
Dayuhan ay nahalina
Bayan ko, binihag ka
Nasadlak sa dusa
Ibon mang may layang lumipad
Kulungin mo at umiiyak
Bayan pa kayang sakdal dilag
Ang di magnasang makaalpas
Pilipinas kong minumutya
Pugad ng luha ko't dalita
Aking adhika
Makita kang sakdal laya
Pilipinas Kong Mahal
(My Beloved Philippines)
Ang bayan ko'y tanging ikaw
Pilipinas kong mahal
Ang puso ko at buhay man
Sa iyo'y ibibigay
Tungkulin ko'y gagampanan
Na laging kang paglingkuran
Ang laya mo'y babantayan
Pilipinas kong hirang
Asides from the Philippine national anthem, "Bayan Ko" and Pilipinas Kong Mahal, the songs are: "bagong Pagsilang" and "ako ay Pilipino"
Bagong Lipunan
May bagong silang,
May bago nang buhay,
Bagong bansa, Bagong galaw,
Sa Bagong Lipunan.
Magbabago ang lahat, Tungo sa pag-unlad,
at ating itanghal, Bagong lipunan!
Ang gabi nagmaliw ng ganap,
at lumipas na ang magdamag.
Madaling araw ay nagdiriwang,
may umagang namasdan
Ngumiti na ang pag-asa
sa umagang anong ganda.
(Repeat opening stanza)
No comments:
Post a Comment