Monday, August 07, 2017

ISANG ATLETA PATAY SA IRONMAN 70.3 TRIATHLON SA CEBU

Isang atletang Pilipino ang binawian ng buhay matapos lumahok sa Ironman 70.3 triathlon sa Cebu.

Kinilala ni Lapu-Lapu City Police Office Director, Senior Supt. Rommel Cabagnot ang atletang si Eric Nadal Mediavillo, 47 taong gulang mula sa Lungsod ng San Pedro, Kalakhang Maynila.

Ang unang insidente ay naganap sa Ironman ng Camarines Sur noong 2009 kung saan si Miguel Vasquez ay binawian ng buhay.

Ang pangalawa ay naganap noong 2012 sa unang pagkakataon na naganap ang Ironman, namatay ang biker na si Ramon "Ramie" Igana Jr., dahil sa pulmonary embolism.

Dakong alas-9:45 kahapon ng umaga nang ideklarang dead on arrival si Mediavillo as Mactan Doctors Hospital.

Isinugod si Eric sa ospital dahil umano sa heart attack sa gitna ng 1.9 kilometer race sa swimming sa Shangri-La Resort sa Mactan Island.

Bukod sa swim course, sasabak sana si Mediavillo sa 90-kilometer bicycle course at 21-kilometer run upang ma-kumpleto ang dibdibang karera.

Hindi ito ang unang beses na may namatay sa Ironman triathlon na idinaraos taun-taon sa tulong isang kilalang energy drinks manufacturer bilang sponsor.

No comments:

Post a Comment