Tuesday, August 08, 2017

Kim naiyak nang makita ang finish line ng Ironman

Bahagi rin ng katatapos na Ironman 70.3 event si Kim Chiu na ginanap sa Cebu last weekend. Panay ang dasal niyang wag siyang atakihin ng cramps bago sumalang.

Sa IG post ni Chinita Princess, may video siyang nakarating sa finish line. Mixed emotions daw ang nadama niya habang tumatakbo pero nang makita niya ang finish line, naiyak na siya!

Sa race, nakadama kasi siya ng cramps na sinamahan ng knee at leg injury. “I’m so proud of myself that I was able to finish the race and my main goal is not to let my team mates down,” saad ni Kim.

Para kay Kim, ito na ang pinakamahirap na 21K run niyang ginawa lalo na’t tirik na tirik ang araw habang tumatakbo siya at walang special someone na sumusuporta sa kanya, huh!

True ba? Gerald mas magaling daw humawak ng baril kesa kay Coco
Sobrang galing daw ni Gerald Anderson sa pelikulang AWOL ayon sa mga unang nakapanood ng movie. Isa ito sa kaabang-abang na entries ngayong Pista ng Pelikulang Pilipino simula sa August 16.

Eh, mahusay rin ang pagkakadirek ni Enzo Williams na huling napanood sa obra niyang The Escort. Kaya may laban ito sa ibang kalahok pagdating sa takilya at si Gerald, malakas ang laban bilang Best Actor.

Banggit pa ng nakapanood, “Mas bagay si Ge­rald na maging action star kumpara kay Coco (Martin), huh!  Matangkad kasi at fit na fit ang katawan ni Gerald!”

Sarah at Matteo agaw-eksena

Biggest attraction sina Sarah Geronimo at Matteo Guidicelli sa Ironman. Aba, flooding ang social media ng sweet moments nila sa event, huh!

Overflowing ang pagmamahal na inilantad ni Sarah sa kanyang dalang placard bago magsimula ang event. “I’m supporting Matteo Congrats My Love. Gihuguma Tika” ang nakasulat sa placard.

Pagdating sa finish line, present din si SG. Isang yakap ang ibinigay ni Matteo sa supportive girlfriend. Sa isang post naman ng aktor, magkasama silang kumakain kasama ang isang bata habang yakap sa bandang leeg si Sarah.

Para kay Mat, best weekend ang nangyari sa kanya dahil sa pagmamahal at suporta sa kanya ni Sarah.

No comments:

Post a Comment