Napamura subalit nahaluan ng konting komedya ang talumpati ni Pangulong Rodrigo Duterte sa anibersaryo ng Department of Justice (DOJ) makaraang tawagin niyang “Gabby Concepcion” ang chairman ng ABS-CBN na si Eugenio Gabriel ‘Gabby’ Lopez III.
Habang naglilitanya ng kanyang ngitngit sa nabanggit na television network kagabi dahil sa hindi nai-ere na political ads niya, tila nalito ang Pangulo at tinawag nitong “Gabby Concepcion” si Lopez.
Mukhang pera aniya ang ABS-CBN dahil bukod umano sa kanya ay hindi rin ginamit ang political ads ni Sen. Francis Escudero at ilan pang pulitiko noong nakaraang eleksyon.
“Naka-p****i*** ninyong lahat. Ikaw? Gabby Concepcion, mukha kang pera p***i** ka. Eh totoo man. Eh ‘sus. Makinig ka Gabby Lopez, nag-place ako ng advertisement. Tinanggap n’yo ‘yung pera ko two million,” ang sabi ng Pangulo.
Hindi ito ang unang pagkakataon na binakbakan ng Pangulo ang naturang TV network dahil sa nasabing isyu.

No comments:
Post a Comment